Thursday, August 7, 2014

Regrets: Devotion and Job


Dear Lord,

Kahapon po, tinanong ko po God kung pupunta po ba ako sa interview, and medyo na sense ko habang nasa prayer journey ng powerhouse na opo.

Pag-uwi ko po nun kahapon, kinuwento ko po kung kamusta yung nangyari sa akin. Well anyways, gusto ko pong magsorry God, kasi hindi po ako nakapagdevotion nun ng maayos. Kahit parang dalawang beses niyo po ako ginising nun...

Nagising po ako ng mga 9 pm, at alam ko sa sarili ko God na kailangan kong pumunta.

Pero di po ako pumunta, dala na din ng sabi ng tatay ko nung malaman na research associate yung position.

Alam ko Lord, wala po akong peace kanina... at sobrang ewan lang.
Nagtext pa nga ako na hindi ako makakapunta. At nagreply ng "Bkt"
Late na po ako nakapagreply. Mga 11 na nun. Ang sabi ko, kung gusto nila ako, sana magtext ulit sila.
Inask ko po kasi kung regarding sa research associate yung position, pero hindi na ko nareplyan.

Well anyways,
natulog po ko halos.
The good surprise kasi God, binigyan niyo po ako ng mga postcards. And nakabalik ako ulit sa blogging.

Bad news,
habang naghaharvest po ako ng mga damit sa labas, na realize ko God na meron pala akong
puting blouse dun, na pwede kong gamitin sa interview.

Hiyang hiya po ako sa inyo Lord.

Nung dumating si Mudra, ang sabi niya,
na sana sinubukan ko kahit mahirap.

I have missed God, at naging stubborn po ako. Bakit po ang stubborn ko God?

Sobrang naging tamad ako. As in sobra po talaga.
At God, naiiyak ako sa ganito... kasi ayaw ko pong gumawa ng bagay na hindi ko po gustong gawin.

:(

Nalulungkot po ako kasi, parang palamanunin lang po ako dito sa bahay, at puro mga expenses ang dala. Imbes na debit.

Naalala ko po si Esau, he sought for the blessing, in tears.. pero wala na. Ganito po ba God yung situation ko?

Sobrang puno po ng panghihinayang ako, pero sinasabi ko pa din po na tinamad po ako.

Life Group God, pa help po.

Gusto ko pong magsorry and all.

Sobrang, sorry po talaga. I didn't died to myself. I chose what I wanted.
But I still consider myself blessed God,

kasi wala po ako sa mga situations ng ilang kaibigan ko.. so I am blessed. Nakakatulog pa ako ng masarap at mahimbing, pero wala po doon eh.

Gusto ko ng hawak ko yung oras ko.

Pakilambot na lang po God yung puso ko... sobrang di obedient kasi eh.
Kaya sorry po God.

No comments:

Post a Comment